Thursday, September 6, 2012

Wish A New



Been pushed to the edge,
uprooted and about to fall.
Wish a new tree would grow,
strong and bears more fruit...
Dream of a bright tomorrow,
shine and abound a great call.
Wish a new beginning reign,
and brings a better hope...

... people change
bad or good...
... and I chose to be GOOD.

Panaginip



May bagay kang binibigyan halaga kahit ariin ito ay walang pag-asa.
Mga salitang gusto mong sambitin pero pinili mong huwag magsalita.
May pangyayaring nasasaktan ka ngunit sadyang ayaw mong ipakita.
Mga kalungkutan pilit mo man itago ay nakikita ang bakas sa mukha.

Sa araw-araw binubuhay ka ng pag-asang darating din ang umaga.
Sa bawat paglipas ng araw kapaguran nararamdaman ay hindi alintana.
Sa lahat ng pagpapalang nakamit ay nakalaan sa darating na bukas.
Sa pag-asa na larawan ipininta sa iyong panaginip ay hindi kukupas.

Kung hanggang panaginip lang makakamtan ang lahat ng iyong pangarap.
Kung ang pagbabago sa buhay na inaasam ay lumipad na lang sa alapaap.
Kung ang liwanag na iyong namamasdan ay maglalaho sa iyong pagkurap.
Kung magwakas ito sa iyong pagdilat sinag ng araw 'di na kailangan sumulyap.
By: Marialyn A. Pangilinan

Tuesday, March 20, 2012

CREATE A NEW YOU


IF YOU ARE TIRED AND MANIFEST HEIGHTENED STRESS.
GET YOURSELF INTO A QUIET ROOM, MEDITATE AND RELAX.
PUT YOUR BODY AT REST AND SHUT YOUR MIND OFF.
HAVE ENOUGH HOURS OF NIGHT SLEEP, SHIELD YOUR EYES.
EARLY MORNING WHEN YOU WAKE UP, SAY GOOD MORNING SUNSHINE!
UTTER A SHORT PRAYER FOR DIVINE GUIDANCE THEN GREET THE WORLD.
IT IS ROUGH BATTLING WITH THE BOREDOM, COME OUT OF YOUR SHELL.
SURROUND YOURSELF WITH POSITIVE PEOPLE, THE ONES WHO HAVE
CREATIVE INSIGHTS  YOU CAN USE  AS A TOOL FOR PROGRESS.
IF YOU ADOPT THE WISEMAN RECOMMENDATIONS YOU WOULD SEE,
A TOTALLY DIFFERENT WORLD WITH A BRAND NEW YOU.
SOMEONE WHO IS PRODUCTIVE, RESPONSIBLE AND A PROACTIVE PERSON.
SO LET THIS TIME BE YOUR TIME TO SHINE AND STAND TALL.

By: Marialyn A. Pangilinan

Magulang


Sa tuwing hinihipo ko ang imahen ni Jesus sa Altar. Si Lolo Tatoy ang nakikita ko. Naaalala ko ang bukid. Ang lawak ng pang-unawa at pasensiya niya. Ang sobrang bait, sipag at pagpapahalaga niya sa pamilya. Hindi ko siya naringgan ng sumbat at reklamo kahit kailan. Sayang nga lang, kaunting panahon ko lang siya nakasama.
Habang nagluluto ako kanina. Sumagi sa isipan ko si Lola Ingga. Todo emote ako...Grabeng lungkot, umagos luha ko ( kaya maalat ang adobo ko, joke! ) Naalala ko ang mga panahon na magkasama kami sa kusina, sa madaling araw bago ako pumasok sa paaralan. Mga gabing katabi ko siya sa pagtulog. Madalas kong maramdaman na kasama ko siya dito (gala ka talaga lola, akalain ko bang lakarin mo hanggang America). Salamat sa Immigration, hindi kailangan ng immigrant petition sa mga kaluluwa. (joke po lola) Alam kong nami-miss mo na ang kapilyahan ko pero hindi pa talaga tayo pwedeng magsama. Dito muna ako sa lupa marami pa akong gagampanan. Pasyalan mo na lang ako, huwag lang sa pagtulog ko. Saka kapag nagmaldita ako, huwag mo akong sabunutan. Nababawasan ang kulot ko, hahaha! Sorry! Seryoso na po, di na po mangungulit... Mahal na mahal kita Lola.
Sa pagdampot ko naman ng kumpul-kumpol na dumi ni Lola (ang mahal kong aso) Sumasagi sa isipan ko ang dahilan kung bakit naging Nurse ako. Mahigit dalawang dekada na ang nakakaraan. Isang umaga sa paggising ko ng tanghali na. Utos ni Papa na may galit. "Linisin mo ang dumi ng aso para masanay ka sa baho at dumi. Kung magpapalit ka ng kurso, mag- nursing ka." Ganuon! (Pause-me, isip-isip!, ano daw?..maging nurse ba...ngitngit ko!) Pero seryoso si papa dear. So seriously... si padir ang dahilan kung ano ako ngayon. Salamat papa sa galit mo noon araw na iyon... blessing po!
Sa bawat hawak ko sa kamay ng mga anak ko. Bawat haplos at pag-aaruga lalo na noon maliliit pa sila. Ang pagiging ina ni Mama sa amin magkakapatid, ay gusto kong malampasan. Bawat pagkukulang niya, gusto kong mapunuan. Mahirap maging magulang pero masarap sa pakiramdam na nagagampanan natin ang mga nakaatang na obligasyon para sa atin anak/ mga anak. Bilang Ina, maging ilaw tayo ng tahanan.
Nabiyayaan tayo ng mga anak. Kaya bilang magulang, alagaan natin ang buhay nila. Mahalin at palakihin natin sila ng maayos. Gabayan natin sila sa kanilang tinatahak na landas. Huwag natin ipilit na gawin nila ang mga bagay na hindi sila interesado. Sa panahon umabot sila sa tamang edad. Hayaan natin silang magdesisyon para sa kanilang kinabukasan. Ang obligasyon natin ay gabayan sila tungo sa tamang landas at maayos na pamumuhay.


By: Marialyn A. Pangilinan

Aral Ng Buhay


Sa mundong atin ginagalawan iba't-iba ang mukha ng tao. May mga taong nabiyayaan ng ganda ng mukha kasabay ng kagandahan loob. Marami rin ipinanganak na hindi kagandahan, pati pag-uugali hindi rin maganda. Mayroon din naman saliwa ng kaanyuhan ang pag-uugali, maganda ang itsura pero hindi kagandahan ang ugali o kabaligtaran. May taong ipinanganak na may kayamanan ang angkan at lumaking may pagpapahalaga sa kabuhayan. May mga tao din lumaking salat sa yaman at nabuhay sa kinalakihan kahirapan. May mga mayaman na naghirap at may mahirap na yumaman. May taong malakas ang loob mayroon din mahina. May tagumpay at may kasawian ang bawat isa.
Lahat, ay may kanya-kanyang tadhana na tayo mismo sa sarili natin ang may gawa. Kung ano man ang hindi magandang nararanasan, huwag natin isisi sa iba. Sabihin man na dulot ng masamang impluwensiya, dulot ng panahon o ng maling pagkakataon kaya natin dinadanas ang kasalukuyan. Bakit hindi natin isipin na kaya tayo binigyan ng diyos ng sapat na pag-iisip para makapagdesisyon ng tama. May mga kilos tayong mali at alam natin mali. Pero pinipilit natin gawin tama kasi ito ang gusto natin. Minsan kailangan natin isantabi ang isang pangarap para sa ikabubuti ng nakakarami. Walang ipinanganak ng perpekto, lahat may kakulangan at may kamalian. Nakadepende ang kinabukasan ng bawat isa sa desisyon at kilos na meron siya. Pero sa bawat pagkakamali dapat kapulutan ng aral.
Ang pagtulong sa kapwa ay hindi masama kung pinangangalagahan ito ng taong inaabutan. May kasabihan kaysa bigyan mo ng isda dapat turuan mong mangisda. Sa mga bata, marahil mahirap nila itong maunawaan. Kaya may magulang para ipaunawa ang mga bagay na mahirap maintindihan ng murang kaiisipan. Madalas man na hindi mapagbigyan ang ating kahilingan, ay huwag natin isipin na tayo ay pinagdadamutan. Hindi dapat magtanim ng galit sa mga taong hindi tayo nakayanan tulungan. Sana gawin halimbawa ang mga paghihirap na nararanasan at kapulutan ng aral ang mga pagkakamali natin nakita.
Matuto tayong tanggapin kung ano lang ang atin makayanan, huwag maghangad ng labis. Huwag natin pilitin kunin ang nasa sa kamay ng iba bagkus, kumilos para maabot ang atin minimithi. Mas masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng isang bagay na pinaghirapan. Umakyat pataas ng dahan-dahan ngunit pinagpawisan. Ang aral ng buhay ay hindi lang natutunan sa silid-aralan, kapulutan ng aral ang dinadanas natin sa araw-araw. Habang bata ka pa, matuto ng tumayo sa sariling paa. Hindi masamang humingi ng tulong, minsan kailangan natin ng gabay. Pero huwag sumandal sa pader dahil kapag ito ay nabuwal baka kasama kang matabunan. Kung madapa ka man matuto kang bumangon. Sa iyong pagtayo ay humakbang ka sa tamang landas at tuwirin mo ang iyong pagkakamali. Ayusin ang iyong pamumuhay para sa mga taong pinaglalaanan mo ng magandang buhay.



By: Marialyn A. Pangilinan

A Woman In Me


Aside from working three twelve-hour shifts per week, as a FT health care worker, it is beneficial to me that I indulge in cooking. And reading health benifits of vegetables, fruits and herbs makes me more meticulous in the proper preparation and consumption of each recipe that I create. I do most of the house chores and make sure that the house is well kept esp. the kitchen and the bathrooms. I love interior decorating and gardening. I do simple carpentry if no choice and necessary. I monitor the wellness of my kids and make sure that they are god-fearing and responsible individuals. It gives me a feeling of satisfaction and fulfillment, being able to do what I love most to do. And seeing what I wanted to see from my kids. There are few things I am not interested in. But due to necessity, I learn how to... I may not be the best person, or superwoman. But I've always been the nurturing, giving and kind being since I embraced the married life... from then on, there's a woman in me.


By: Marialyn A. Pangilinan

Thank You Lord

Thank you Lord for the air, I can breathe evenly.
For providing me food to cook for my family.
For making me an instrument to serve the ill.
Thank you Lord for the wisdom and free will.
For giving me enough strength when I am weak.
For lending me a voice when I could not speak.
Thank you Lord for the love, I am getting it.
For letting me be able to move well and be fit.
For sending me light and not letting me give up.
Thank you Lord for the aid and for lifting me up.
For staying beside me when I am fearful
For keeping me company when I am tearful.
Thank you Lord for creating me, I am alive.
For helping me brave out the storms of life.
For showing me practical ways on how to thrive.
Thank you Lord for giving me courage and drive.

By: Marialyn A. Pangilinan